On El Niño, Earth Hour, Summer Heat and Philippines in 2024
Aaaah. Medyo may kainitan na rin ang panahon ngayun dahil malapit nang magsimula ang ang summer season dito sa Pilipinas, kahit na wala man talagang summer season dito. Ang klima na mararamadaman dito sa Pilipinas ay limang buwan ng mainit na panahon na nagsisimula sa Disyembre at nagtatapos sa Mayo ng kasunod na taon at limang buwan ng maulang panahon na may halong iilang bagyo na nakakadaan sa Pilipinas na nagsisimula sa Hunyo at nagtatapos sa Nobyembre bawat taon. In short, ang klima ng Pilipinas ay maisasalarawan sa tatlong salita: mainit, maalinsangan at maulan. Dahil ang Pilipinas ay may kalapitan na rin sa ekwador o ang pinakagitnang bahagi ng mundo kung hahatiin ang mundo nang pahalang, ang Pilipinas ay nakakaramdam ng tropikal and “maritime” na klima na may average na temperatura na 26.6 degree sentigrado, medyo mataas ng bahagya sa 15 degrees sentigrado na average na temperature ng mundo na talagang isang malamig na temperatura. Ang average temperatura ng Pilipinas ay medyo mainit pakinggan dahil tamang-tama itong temperatura para mabuhay ang mga niyog, palay at mga kommon na mga agricultural na mga produkto tulad ng mga patatas, sibuyas, pansahog sa mga ulam kagaya ng carrots, bawang at iba pa.

Ngunit ngayong taong ito ay binabayo tayo ng El Nino na nagsimula pa noong Hunyo 2023 at may posibilidad na matatapos sa bandang Hunyo ngayung taong ito. Ang El Nino ay isang weather phenomenon kung saan tumataas ang temperatura ng Pacific Ocean kaysa sa pangkaraniwan na makapagpabago ng temperatura at klima sa kalupaan at nabubuo ang El Nino sa loob ng dalawa hanggang siyam na tao at nagtatagal mula 9 na buwan hanggang 2 taon at isa sa mga epekto ng El Nino sa Pilipinas ay ang pagbaba ng bilang ng pag-ulan sa ilang bahagi ng bansa kabilang na ang National Capital Region at nagresulta sa kakulangan ng tubig ulan na napupunta sa mga dam kung saan tayo kumukha ng maiinom at panggamit sa natin sa araw-araw. Ayon sa World Meteorological Organization na isang ahensya ng United Nations na nagmomonitor at nag-aaral ng klima at weather patterns ng mundo, ang 2023 – 2024 El Nino season ng mundo ang isa sa mga malakas na El Nino season na naranasan ng mundo simula nang mag record ng El Nino Phenomenon at dahil dito, mas malakas na mga pag – ulan ang nararanasan malapit sa lugar na tinatawag na “Horn of Africa” at mas mainit at tuyong panahon naman ang mararanasan sa Southeast Asia kung saan parte ang Pilipinas. At dahil na rin sa global warming na nararanasan ng mundo na nagsimula noon pang 1900s, mas naramdaman pa ng Pilipinas ang epekto ng El Nino ngayung mga panahong ito. Ayon sa pinakahuling datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na inilabas noong Marso 6, 2024, umabot na ng lampas 1 bilyong piso ang halaga ng danyos sa pagkasira ng agrikultura sa Pilipinas dahil sa El Nino. Mga nangamatay na mga palay, irrigasyon na halos wala nang tubig para sa mga sakahan, tigang na mga lupa at mga magsasakang hindi na makapagtatanim, makapag – ani ng palay at makakuha ng kita ang ilan lamang sa epekto ng El Nino Dito sa Pilipinas. Pero ayon na rin sa World Meteorological Organization, unti – unti nang humihina ang El Nino ngayung taon at may possibilidad na mawawala ang El Nino pagsapit ng Hunyo sa kasalukuyang taon.
Pero hindi lang El Nino ang dapat na paghandaan ng mga kababayan natin dahil ang El Nino ay natatapos rin dahil may mas malaking problema pa ang kakaharapin ng mundo kung saan tayong lahat ang maapektuhan nito at matagal-tagal na rin nating mararamdaman ito: Global Warming. Ang Global Warming ay ang pangkalahatang pagtaas ng average na temperatura ng mundo na nagsimula mula sa tinatawag na “pre – industrial times” o mga taon mula 1850 hanggang 1900 dahil sa kagagawan ng tao katulad ng paggamit ng fossil fuels na nagpapataas ng tinatawag na “greenhouse gases” katulad ng carbon dioxide and methane na nagta-trap ng init sa mundo. Ang greenhouse gases ay mga kemiko na may abilidad na mag “trap” ng init mula sa araw at nagpapataas ng temperatura ng mundo at ang epekto ng greenhouse gases sa mundo ay tinatawag na “greenhouse effect”. Mahalaga na may greehouse effect dahil kung wala ito, ang average na temperatura ng mundo ay babagsak sa -18 degrees sentigrado imbes na 15 degrees sentigrado na average na temperatura ng mundo ngayon. Ang pangkaraniwang mga greenhouse gases na makikita sa mundo ay ang water vapor, methane, nitrous oxide, carbon dioxide at iba pa. Normal na ine – emit ng mundo ang mga greenhouse gases dahil sa mga “natural processes” katulad ng pagsabog ng mga bulkan, pag-evaporate ng tubig sa kadagatan, “plant respiration” or tinatawag na photosynthesis na ginagawa ng mga tanim at puno kung saan kinoconvert ng mga tanim ang sinag ng araw para maging pagkain nila para mamuhay ang mga puno, at hininga ng mga hayop at tao. Pero ang mabilis na pagdami ng greenhouse gases sa mundo ngayun ay kagagawan ng tao.
Pero bakit nasasabi natin na kagagawan ng tao ang global warming na nararamdam ng mundo ngayun? Paano nakaka-contribute ang sankatauhan sa pag – init ng mundo? Ano ang mga ginagawa ng sangkatauhan na nagpapataas ng average temperature ng mundo ngayon? At nangyari naba ang global warming noon nang hindi pa nag – exist ang tao? Ito ang kasaysayan.
Ang Industrial Revolution ay isang panahon ng modernisasyon at innobasyon ng mga makinarya na nagsimula mula sa huling bahagi ng taong 1700s hanggang sa unang bahagi ng 1800s. Nagsimula ang Industrial Revolution sa bansang England nang magkaroon ng innobasyon sa textile industry sa pamamagiitan ng pag-imbento ng mga makinarya para mas mabilis makagawa ng mga tela dahil sa hindi pa naimbento ang mga makinarya para sa mas mas mabilis na makagawa ng mga tela, gumamit sila ng mga bata at mga babae para manghabi ng mga tela dahil mas kontrolado nila ang kanilang mga kamay sa paghabi ng mga tela. Nang lumaon, nang naimprove ng isang inhenyerong Scottish na si James Watt ang disenyo ng steam engine na nagpapalakas ng pwersa na kaya nang paandarin ng kanyang disenyo ang mga makina sa mga pagawaan para mas episyente ang produksyon at mas maraming produkto ang magagawa sa loob lamang ng maikling panahon, ito ang nagpapabago sa takbo ng buhay nga mga tao noon dahil ang mga produkto na gawa ng mga makinarya katulad ng tela, damit at iba-ibang produkto ay mas mababa na ang presyo kaysa sa mga “handmade” na mga produkto. Pero hindi lang limitado sa mga pabrika ang mga makabagong makina at steam engines na ginagamit dahil hindi nagtagal ay nagamit na rin ang mga makinang ito para makalayag sa iba’t ibang panig ng mundo. Naging posible ang paglalayag sa mga malalapad ng mga karagatan dahil sa mga steam engines at makinarya nag nagbibigay buhay sa mga barko para makapunta sa mga malalayong lugar. Dahil sa laki ng demand ng pagmamanupraktura ng mga makina at paggamit nito, tumaas rin ang ang paggamit ng mga fossil fuels kagaya ng coal or uling at sa kalaunay gasolina, diesel at kerosene. Simula nang naimbento ang ganitong mga makina na nangagailangan ng panggatong na coal para sa mga pabrika, unti-unti nang nagkararoon ng polusyon sa hangin sa pamamagitan ng mabahong mga usok mula sa mga pabrika at mga barko at dahil na rin na kinokonsidera ang coal bilang isang “dirty fuel”, ibig sabihin, ang mga panggatong na ito ay madaling magbigay ng polusyon sa hangin sa pamamamagitan ng usok at abo kung ito ay gagamitin at imamanupraktura. Dagdag pa, ang mga panggatong na ito ay nabubuo mula sa milyong2x taong pagkakabaon ng mga katas ng mga hayop at puno kaya isang mahalagang resource ang mga “fossil fuels” dahil inaabot ng milyon-milyong taon ang binibilang para mabuo ang mga fossil fuels pero sandali lang natin sila kung gamitin.
Simula nang gamitin ng mga tao ang mga fossil fuels kagaya ng coal at krudo ilang daang taon na ang nakakalipas, alam na nila ang masamang epekto nito sa kalusugan. Dahil ang mga makabagong makina na ginamit ilang daang taon ang nakalilipas ay dinisenyo na hindi iniisip kung ano ang epekto nito sa kapaligiran, madalas magreklamo noon ang mga tao na masaydong mausok at mabaho ang hangin sa palibot ng pabrika at unti-unti na ring nagkakasakit sa baga ang mga taong nakatira malapit sa mga pabrika.
Sa ksagsagan ng Industrial Revolution kung saan halos lahat ng mga produkto ay ginagawa ng mga makina na gumagamit ng fossil fuels bilang panggatong, unti-unti nang nakikilala ng mga siyentipiko ang iba pang epekto ng paggamit at pagsusunog ng fossil fuels sa kapaligiran sa pangunguna ng Irish na siyentipiko na si John Tyndall. Hindi na bago kay John Tyndall ang idea na may mga gases sa mundo na nagta-trap ng init mula sa araw pero hindi pa niya alang kung ano ang itatawag sa phenomenon na ito o anong mga gases ang nagta-trap ng init sa mundo. Pagkatapos ng kanyang mga siyentipikong pag – aaral, nalaman ni John Tyndall na ang mga gases na nagta-trap ng init mula sa araw ay ang carbon dioxide at water vapor. Noong 1896 naman, sa pag-aaral mula sa isang Swedish na siyentipiko na si Svante Arrhenius na kapag marami ang ibinubugang mga greenhouse gases mula sa pagsusunog nga mga fossil fuels, tiyak na tataas ang avareage na temperatura ng mundo at magiging mitsa ng global warming at napatunayan mula sa mga experimento ng ibang siyentipiko na tama sa si Arrhenius. Pero marami rin namang hindi naniniwala kay Arrhenius dahil kahit na tama ang resulta ng kanyang mga pag – aaral, masyado daw maliit ang epekto ng pagsusunog ng fossil fuels sa pag – init ng mundo dahil sa laki ng mundo. Ilang dekada na rin ang nakalilipas nang noong 1938 nang napatunayan ng Amerikanong enhinyero na si Guy S. Callendar na kagagawan ng tao ang pagtaas ng dami ng greenhouse gases. Ang masama pa, ni hindi alam ng mga tao noon na sila ang nagpapataas ng dami ng greenhouse gases sa pamamagitan ng paggamit ng mga makina, sasakyan, pag-operate ng mga makinarya sa mga pabrika at iba pa at matagal nang nagsimula ang global warming. Nang inilathala ni Guy S. Callendar ang kanyang pag-aaral, nagbunga ng matinding debate sa siyensiya at naging “outsider” ng siyensiya si Callendar. Ngunit sa katapusan, tama si Callendar.
Ngayun, sa modernong panahon kung saan hinog na ang pag-aaral ng klima sa mundo at alam na nang nakararami na carbon dioxide ang salarin sa pagtindi ng greenhouse effect ng mundo na naging mitsa ng global warming dahil sa paggamit ng mga fossil fuels, para pa ring wala pa rin tayong natutunan. Ayon sa pag-aaral ng mga siyentipiko at mula sa datos ng World Economic Forum na inilathala noong 2022, ang lebel ng carbon dioxide concentrations sa atmosphere noong Ice Age na nangyari noong 120 000 hanggang 11 500 taon na ang nakalilipas ay mula 200 parts per million hanggang 280 parts per million lamang. Noong 2013 ay naabot na ng mundo ang mataas na lebel ng carbon dioxide concentration sa atmosphere na pumalo na sa 400 parts per million. Huling nangyari na umabot sa ganyang kataas na lebel ng carbon dioxide ay noon pang Pliocene Epoch, isang time period mula 5.3 million hanggang 2.6 milyong taon ang nakaraan, kung saan mas maliit ng konte ang Atlantic Ocean, ang mga isla ng Pilipinas ay parehas lamang kagaya ngayun, mas mataas ng siyam na metro ang sea level noon kaysa ngayon at hindi pa nag – exist ang mga tao. Ang lebel ng carbon dioxide concentation ngayung 2024 ay nasa 424 parts per million at bumibilis pa kahit marami na tayong innobasyon para mabawasan ang paggamit ng mga fossil fuels katulad ng electric vehicles at renewable energy generation katulad ng solar, wind at hydropower. Para sa mga ordinaryong mamamayan kagaya natin, hindi natin alam ano ang ibig sabihin ng carbon dioxide level na 424 parts per million hanggang sa malaman natin na nasa tinatayang nasa 3 315 gigatons or 3. 315 milyon bilyong tonelada ng carbon dioxide gas ang nasa atmosphere ngayun. Andami nun!
Ang carbon dioxide concentration ngayun sa mundo ay nasa 0.04% lamang na masasabi natin na napakaliit lamang. Ang concentrasyon ng nitrogen gas ay 78% at ang lebel naman ng oxygen gas na ginagamit natin para makahinga tayo ay 21% pero tayo ay naalarma na tayo sa 0.04% na carbon dioxide concentration. Ibig sabihin, kahit na napakaliit ng amount ng carbon dioxide gas sa mundo pero its enough na makakapag – init sa mundo at magpapahirap sa sangkatauhan. Ano ba ang mangayayari kung sobrang – sobra talaga ang dami ng carbon dioxide sa mundo? Tingnan nyo na lang ang planetang Venus, kung saan ang main component ng kanyang atmosphere ay nasa 96% carbon dioxide at ang kanyang average na temperatura ay umaabot ng 460 degrees sentigrado na nakakatunaw na ng metal na Lead at apat na beses na mas mainit kaysa sa temperatura ng bumubukal na tubig na nasa 100 degrees sentigrado lamang. Ang planetang Venus ay tinamaan na ng tinatawag na “runaway greenhouse effect” 700 milyong taon na ang nakararaan dahil napakarami ang dami ng carbon dioxide at mas malapit pa siya sa araw. Dagdag pa, ang carbon dioxide ay isang mabigat na gas at hindi siya umaangat katulad ng hydrogen at helium gas na ginagamit sa mga floating balloons.
Ang mga kaalaman at mga pag – aaral na nakuha mula sa mahabang taon ng pananaliksik ang nagbibigay sa atin ng motibasyon para mas pangalagaan natin ang kapaligiran. Na mas pahalagahan natin ang iba at mga mahal sa buhay natin dahil kapag wala tayung gagawin, unti – unti nang masisira ang kapaligiran, ang ating mga sarili at mas lalong hihirap pa ang buhay sa hinaharap. Kahit simpleng pagtapon ng mga basura sa tamang lalagyan ay magandang simula sa pagbabago. O paggamit ng mass transportation kagaya ng jeep at bus imbes na gumamit ng sariling sasakyan para pumunta sa trabaho araw-araw. Or ipatupad ang work – from – home scheme sa mga empleyado ng mga maraming kumpanya sa bansa imbes na papuntahin pa sila sa lugar kung saan sila magtatrabaho dahil ang teknolohiya ngayon ay hinog na para gawin na lang ang ibang mga trabaho sa bahay imbes sa opisina. Or magkaroon ng tree – planting activities sa mga komunidad para mas gumanda ang kapaligiran. O i-pressure natin ang gobyerno para may gawin sila sa mga kompanyang nagpapadumi ng hangin sa kapaligiran kagaya ng mga pabrika at minahan dahil isa sa mga pinakamalaking kontributor ng greenhouse gases ay mga ganyang mga kumpanya. Bawat isa sa atin ay may kapangyarihan na gawin kahit isa sa mga ito at kahit na hindi natin sila masabay – sabay dahil sa ikli ng panahon at sa dami ng trabaho at mga obligasyon, may magagawa tayo. Pangalagaan natin ang kapaligiran dahil ito ang nagbibigay buhay sa atin. Dahil matagal nang napabayaan ng sangkatauhan ang kapaligiran dahil na rin sa dami ng mga ginagawa natin sa buhay at sa paraan kung paano tayo mamuhay ngayon na kailangan pang may gumamit ng fossil fuels para ma-sustain ang “way of life” sa modernong panahon at mas lalong malala pa kung nasa syudad ka nakatira kung saan ang paraan para makapunta tayo sa iba’t – ibang lugar sa loob ng syudad ay mga sasakyan at halos wala nang mga malalaking kakahuyan na hamak na mas mainit manirahan sa syudad kaysa sa probinsiya. May mga pag – aaral na ring napapakita na kapag mas mainit ang panahon sa syudad, mas malaki ang tsansa ng mga tao na magalit, maging arogante, tumaas ang kaso ng road rage at iba.
Ngayung Earth Hour kung saan ginugunita sa buong mundo ang pag – alala sa kalikasan sa pamamagitan ng pagpatay ng mga ilaw sa mga establishmento at mga sikat na pasyalan sa buong mundo sa loob ng isang oras mula 8:30 PM hanggang 9:30 PM kada huling Sabado ng Marso kada taon bilang simbolo ng pagkakaisa ng sangkatauhan para alagaan ang kalikasan. Nagsimula ito sa Australia noong 2007 at lumaon ay unti – unti na ring lumaganap sa ibang bansa ang “lights – off” na taktika na naging katangi-an ng Earth Hour paglipas ng panahon dahil na rin sa realidad ng climate change at pagkaubos ng mga tahanan at mga endangered species sa kabundukan dahil sa deforestation at pagkakaingin, pagkatunaw ng mga ice caps sa North Pole kung saan nakatira ang mga polar bears at penguins, unti -unting pagtaas ng lebel ng tubig – dagat dahil sa pagkatunaw ng mga malalaking tipak ng yelo sa Antarctica na nagpapabaha sa mga lugar na malapit sa dagat, pagdumi ng hangin sa kapaligiran na marami nang nagkakasakit na tao dahil inaatake ng hika at iba pang mga sakit sa baga dahil sa usok mula sa mga sasakyan, at kawalan ng alternatibong pagkukunan ng enerhiya para ipampalit sa fossil fuels dahil masyadong ispesyalisado ang mga kondisyon para makalikha ng kuryente katulad ng solar energy na kailangan pang mailawan ng araw para umandar at aksayado pa sa espasyo dahil kailangan pa ng malapad na lupain para makalikha ng kuryente na pwedeng ipantapat sa fossil fuel powered na mga planta, wind energy na konting mga lugar lang sa Pilipinas ang madalas mahanginan, hydroelectric power na konti lang ang mga lugar sa Pilipinas kung saan pwedeng pagtayu-an ng dam at nakakasira pa ng mga tahanan ng mga katutubo at hayop sa kagubatan at biomass nga kailangan pang mag – ipon ng napakaraming dumi at ipa mula sa mga palayan para lang magkaroon ng ilang katiting na litro ng biofuel, at nuclear fission energy kung saan natatakot ang ating mga environmentalists dahil hindi pa alam kung paano idispatsa ang mga nuclear wastes na nalilikha ng mga nuclear reactors. Ang Earth Hour ay isang natatanging simbolo na nagpapaalala sa atin ng kahalagahan ng pangagalaga sa kalikasan, na maging mas mabuti tayong tagabantay para sa kalikasan para sa kalaunay mas bubuti pa ang ating mga buhay, dahil bawat aksyon natin, mula sa tamanag pagtatapon ng basura hanggang sa paggamit ng renewable energy sources para ma sustain ang ating mga buhay sa raw – araw, ay may malaking tsansa na makakapekto sa iba.
Dahil tayo ay “interdependent” sa isa’t isa. Anuman ang ating aksyon sa ating mga sarili ay may epekto rin sa ibang tao.




One Comment
AntonioHiz
Перед началом работы стоит ознакомиться с возможностями хрумера, чтобы избежать ошибок.