• Lifestyle,  Nature

    On El Niño, Earth Hour, Summer Heat and Philippines in 2024

    Aaaah. Medyo may kainitan na rin ang panahon ngayun dahil malapit nang magsimula ang ang summer season dito sa Pilipinas, kahit na wala man talagang summer season dito. Ang klima na mararamadaman dito sa Pilipinas ay limang buwan ng mainit na panahon na nagsisimula sa Disyembre at nagtatapos sa Mayo ng kasunod na taon at limang buwan ng maulang panahon na may halong iilang bagyo na nakakadaan sa Pilipinas na nagsisimula sa Hunyo at nagtatapos sa Nobyembre bawat taon. In short, ang klima ng Pilipinas ay maisasalarawan sa tatlong salita: mainit, maalinsangan at maulan. Dahil ang Pilipinas ay may kalapitan na rin sa ekwador o ang pinakagitnang bahagi ng mundo…